Mommy Corner

[Motherhood][bsummary]

Health and Beauty

[Health and Beauty][bleft]

Other Reviews

[Review][twocolumns]

Travel

[Travel][bsummary]

Ramblings

[Ramblings][twocolumns]
x

FIND ME ON FACEBOOK!

Show some LOVE by liking my page

contact me

Bahala Na


Bahala Na 

Minsan gusto kong gumawa ng masayang tula
Yung naglalarawan sa kung gaano mo ako napapasaya
Sa mga simpleng bagay na ginagawa mo para sa 'kin
Nakikita at nadarama ko 'yon kahit wala kang sabihin

Minsan gusto ko ring ipaalam sa'yo
Na nagkakapuwang ka na sa puso ko
Pero parang ang hirap... natatakot ako
Nagtatanong, nalilito, naninigurado

Ngayon di ko na naman alam pa'no tatapusin ang tulang 'to
Magpipigil ba 'ko o magpapadala na lang sa bugso?
Sige na nga! Masaktan na ang masasaktan!
Pero worth ka naman bigyan ng chance kaya bahala na si Batman!