Mommy Corner

[Motherhood][bsummary]

Health and Beauty

[Health and Beauty][bleft]

Other Reviews

[Review][twocolumns]

Travel

[Travel][bsummary]

Ramblings

[Ramblings][twocolumns]
x

FIND ME ON FACEBOOK!

Show some LOVE by liking my page

contact me

Oo


Oo 

Dumating, dumaan
Lilipas din naman
Hirap nang magtiwala
Puso'y di mabuksan

Natatakot nang masaktan
Paano malalaman
Kung tunay na nga bang
Mapagkakatiwalaan

Naghihintay, nag-aabang
Nag-aalinlangan
Mayroon namang kumakatok
Ngunit di mapagbuksan

'Kala ko di na magagawang
Umibig at magmahal
Ngayon ika'y naririto
Damdami'y di malaman

Nagugulo ang utak ko
Sinusuri bawat dako
Paano kaya kung
Puso naman pakinggan ko?

Sabi nito, subukan kong
Papasukin ka sa buhay ko
Di namamalayan
Nahuhulog na pala ako

Ang tinig mo, nagpapakalma
Init ng yakap nadarama
Pag kasama kita
Anong gaan, anong saya

Ngayon lang ulit nangyari 'to
Naging payapa ang loob ko
Alinlanga'y nabura mo
Tingin ko handa na 'ko

Nagtatanong naman sa'yo
Mahal mo na rin ba ako?
Baka pwede kasing
Sa wakas ay maging tayo?