Isang Gabi


Isang Gabi  

Isang hapon.
Isang pangkaraniwang hapon na naghahanap ako ng masasakyan at ikaw ang natyempuhan
Ang mahabang byahe at dikit-dikit na traffic ay di na namalayan dahil sa masayang kwentuhan at dinig na tawanan na para bang matagal na tayong nagkakilanlan

Isang linggo.
Isang linggo na pala mula nang bumaba ako sa iyong sasakyan at nagtext ka ng "Ingat ka, ma'm!"
Sumagot naman ako ng "Ingat rin po. Sana mahanap mo na ang magpapasaya sa'yo ngayong Pasko"
At doon nagsimula ang palitan ng mensahe -- araw-araw, gabi-gabi
Nagtatanong, nananabik kung kailan kaya magkikitang muli

Isang gabi.
Dumating ang isang gabi na muli tayong magkikita
May tensyon, may kaba... paano kung may mag-iba?
Pero gumaan ang lahat nang makita ka
Ang laki ng ngiti sa'yong mukha, di matago ang saya
Nagpaikot-ikot. Joy ride! Bahala na kung saan mapunta
Pero dinala tayo sa isang mapayapang lugar, tanaw ang dagat, buwan, at ulap
Tig-isang beer para sa malalimlalim na kwentuhan. Cheers!
Sa kabila ng bilis ng takbo ng buhay, sa pagkakataong ito, tumigil ang oras
Atin muna ang mundo

Malakas na tawanan, pasigaw na kantahan na para bang walang bukas
Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganito
Pero gaano man kahaba ang gabi, babalik tayo sa realidad na natatapos din ito
Kung kailan man tayo magtatagpo muli, malay mo, isang araw...



Share on Google Plus

About Jessa Acosta

0 comments:

Post a Comment

Let me know what you think! :)