Bisyo


Bisyo  

Ikaw naman ang unang lumapit at sinubukan kitang di pansinin
Kasi mali, kasi hindi tama
Pero sa pagtagal, nakita ko na lang ang sarili kong nalululon sa'yo

Masaya pala, nakagagaan ng pakiramdam
Kahit patago at walang nakakaalam
Maya't mayang naghihintay ng pagkakataon
Na matikman ka ng papuslit kahit sa sandaling panahon

Nagtatalo ang isip ko dahil di tama ang nangyayari
Alam kong panandalian, alam kong mawawala rin

Pero ang hirap harapin ng katotohanan
Ang hirap simulang tigilan
Kung alam kong sa huli, ako rin ang mawawalan,
Mananabik, maghahanap...

Paano? Paano tigilan ang masamang bisyo?



Share on Google Plus

About Jessa Acosta

0 comments:

Post a Comment

Let me know what you think! :)