Mommy Corner

[Motherhood][bsummary]

Health and Beauty

[Health and Beauty][bleft]

Other Reviews

[Review][twocolumns]

Travel

[Travel][bsummary]

Ramblings

[Ramblings][twocolumns]
x

FIND ME ON FACEBOOK!

Show some LOVE by liking my page

contact me

Ayoko


Ayoko 

Ayoko
Ayokong ma-in love
Ayokong napapangiti nang bigla-bigla dahil lang naisip kita
O kiligin nang walang humpay habang ka-chat ka
Yung nawawala ako sa focus sa tuwing tutunog ang celphone ko
O makita ang sarili kong nakatulala at nag-iisip sa'yo

Ayoko
Ayokong ma-in love lalo kung panandalian lang pala 'to
O yung ako lang pala ang nag-a-assume na may namumuong "tayo"
Baka mamaya nahuhulog na 'ko pero wala lang pala sa'yo
Edi sa huli, gaya ng dati, ako na naman ang talo

Ayoko
Ayokong ma-in love at masaktan
Hindi pa kaya ng puso ko ang mayanig nang gano'n na lang
Ayokong sumugal, magbakasakali, at mawalan
Pasensya na, pero hindi pa pala ako gano'n katapang